Friday, September 11, 2026

PBBM, iniutos ang pagtatatag ng EduPhil Program para sa mga dayuhang mag-aaral

Iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagtatatag ng Education Philippines o EduPhil Program para makahikayat ng mas maraming dayuhang estudyante na mag-aral sa Pilipinas.

Sa ilalim ng Executive Order (EO) No. 124, gagawing mas kaakit-akit ang bansa para sa mga dayuhang nais kumuha ng higher education, magsagawa ng research at sumailalim sa training.

Kasama sa programa ang pagpapalakas ng ugnayan ng mga paaralan sa Pilipinas at mga institusyon sa ibang bansa.

Isusulong din ang palitan ng kaalaman, research at mga bagong teknolohiya.

Padadaliin din ang pagproseso ng mga dayuhang mag-aaral sa kanilang student visa at iba pang kailangang serbisyo ng gobyerno.

Pangungunahan ng Commission on Higher Education o CHED ang programa, kasama ang Department of Foreign Affairs (DFA), Bureau of Immigration (BI), at iba pang ahensya ng gobyerno.

Magkakaroon naman ng EduPhil Portal, isang online platform kung saan maaaring asikasuhin at subaybayan ang mga dokumento at serbisyo para sa mga dayuhang estudyante.

Inaasahang makatutulong ang programa sa pag-unlad ng ekonomiya, research at innovation, at sa pagpapalakas ng kakayahan ng mga Pilipino

Facebook Comments