PBBM, tiniyak na lahat ng nakokolektang buwis ay napupunta para sa ikagaganda ng ekonomiya

Walang nasasayang sa buwis na nakokolekta ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ito ang tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ambush interview sa Philippine International Convention Center o PICC matapos na pangunahan ang kick off ng National Tax Campaign.

Ayon sa pangulo, asahan daw ng mga Pilipino na lahat ng nakolektang buwis ay mapupunta sa ikabubuti ng ekonomiya ng bansa para sa mas pagpapaganda pa ng buhay ng Pilipino.


Kaya naman ayon sa pangulo, pagagandahin at gagawing mas mabilis ng BIR ang pagkolekta ng buwis.

Kasama aniya sa pagagandahin ay ang bagong sistema at maging ang digitalization na ginagawa na ngayon.

Siniguro rin ng pangulo na mas magiging masigasig ang BIR sa paghabol sa mga negosyanteng hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Facebook Comments