Thursday, October 8, 2026

DOLE, inisa-isa ang naging paglabag ng kumpanya na may-ari ng nasunog na MV June Aster sa ginawang pagdinig ngayong araw

Patong-patong na paglabag ang natukoy ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Atienza Interisland Ferries Inc. ang may -ari at operator ng nasunog na MV June Aster sa karagatang sakop ng Coron, Palawan noong September 9.

Sa pagdinig sa tanggapan ng DOLE ngayong araw, iprinesenta ng DOLE MIMAROPA ang mga paglabag ng kumpanya sa Occupational Saftey and Health Standards o OSHS at General Labor Standards.

Kabilang dito ang kulang na pasahod sa kanilang mga manggagawa, hindi nababayarang overtime, night shift differential, holiday pay, premium pay on special days, premium pay sa rest days at Non-provision sa Service Incentive leave benefit.

Kasama rin sa mga natukoy na paglabag ng kumpanya ang kawalan ng fire prevention, fire fighting and emergency response plan, hazard prevention program at occupational safety and health program.

Sa naging pagdinig, najiniwala si Labor Sec. Francis Tolentino na dapat ay magkaraoon ng karagdagang tulong ang mga crew na nakaligtas insidente.

Kaugnay nito, dalawa sa mga nakaligtas na crew na nakausap ni Sec. Tolentino ay wala ng balak pa na bumalik o sumakay ng barko dahil sa labis na trauma na kanilang naranasan sa insidente.

Pinagmumulta naman ang kumpanya ng P1,000 hanggang P5,000 kada araw at P100,000 dahil sa may mga nasawi at nasugatan nitong mga manggagawa bunsod ng insidente.

Facebook Comments