
Mabigat na ebidensiya na ang mga bank records na inilalabas sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay PCO Usec. Claire Castro, mahirap pasinungalingan ang bank records maliban kung mapatutunayang may pagtamper sa mga dokumento.
Gayunman, ayaw pangunahan ng Palasyo ang magiging desisyon ng mga senator-judge at hinayaan na lamang ang taumbayan na suriin ang mga ebidensiyang inilalabas sa paglilitis.
Giit ni Castro, dapat maipaliwanag ni VP Sara kung paano nakuha ang malaking halaga ng perang nasa kaniyang mga bank account, lalo na kung may mga pondong hindi umano naideklara sa SALN.
Samantala, iginiit din ng Palasyo na dapat ipagpatuloy ang mas malalim na imbestigasyon sa mga alegasyong kinasasangkutan nina Rudolfo Gracioso at Ramil Madriaga.
Hindi aniya dapat maging dahilan ang alegasyong pamumulitika para ihinto ang imbestigasyon, dahil pondo ng bayan ang nakapaloob sa isyu.










