RTVM, mamamahala sa ikalawang SONA ni PBBM

Ang Radio Television Malacañang o RTVM ang mamamahala sa ikalawang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa July 24.

Ihinahayag ito ni House Secretary General Reginald Velasco matapos ang pulong Inter-Agency Task Group na siyang nangunguna sa paghahanda para sa nalalapit na SONA ni PBBM.

Magugunitang sa nakaraan o unang SONA ni Pangulong Marcos ay tumayong director si Presidential Adviser on Creative Communications Paul Soriano.


Pero sabi ni Velasco, base sa impormasyon mula sa Office of the President at Presidential Communications Office, ang RTVM na ang mag-aasikaso sa SONA ngayong taon.

Hindi alam ni Velasco ang rason pero tiniyak aniya ng RTVM na kayang-kaya nilang i-cover ang SONA dahil sila din naman ang nagko-cover sa lahat ng ganap lalo na kung keynote speaker ang pangulo.

Facebook Comments