
Tutungo ngayong araw si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa CAMANAVA area para sa mga aktibidad kaugnay ng pabahay at pamamahagi ng land titles.
Unang pupunta ang pangulo sa Disiplina Village, Arkong Bato, Valenzuela para sa ceremonial turnover ng 303 housing units para sa mga kwalipikadong informal settler.
Kasama niya sina Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Ramon Aliling at NHA General Manager Joeben Tai.
Mula Valenzuela, tutungo ang Pangulo sa Caloocan para mamahagi ng land titles sa mga benepisyaryo ng Community Mortgage Program sa Silanganan Covered Court sa Barangay 167 alas-11 ng umaga.
Facebook Comments










