2 domestic flights sa NAIA, kanselado dahil sa masamang panahon

Kanselado ang dalawang domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa masamang panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), alas 6:00 kaninang umaga nang kanselahin ang biyahe ng CebGo na DG 6177 at DG 6187 na biyaheng Manlila – Masbate – Manila.

Pinayuhan naman ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa posibleng refund o rebooking.


Samantala, wala namang international flight ang apektado ng masamang panahon.

Facebook Comments