2 drug personalities timbog sa buy-bust operation

61

Nahulog sa kamay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang drug personalities matapos ang ikinasang buy-bust operation sa Barangay San Roque, Pateros.

Kinilala ang dalawa na sina Stephen Yap Jao at Allen Custodio.


Sa ulat ng PDEA, matagumpay na naaresto sina Jao at Custodio matapos ang ikinasang buy-bust operation sa tulong ng pinagsanib na puwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) , Southern Police District (SPD) Intel Division at Pateros Police.

Nabawi sa kanilang pag-iingat ang may 20 gramo ng suspected shabu, 160 piraso ng ecstacy, weighing scale, iba’t ibang drug paraphernalias, ID at ilang machines na ginagamit sa credit at cards fraud.

Facebook Comments