
Isang Chinese national din ang naaresto noong nakaraang taon dahil sa kaparehong kaso ng posibleng pag-eespiya.
Sa pulong balitaan sa Department of Justice (DOJ), sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief General Romeo Brawner Jr. na nahuli ang Chinese national noong Disyembre ng nakaraang taon habang nagmamaneho ng sasakyang may mga gamit din sa pag-eespiya.
Nang tingnan daw ang mga nakumpiskang kagamitan ay tumambad ang mga litrato ng mga kampo ng militar sa bansa gaya ng Fort Bonifacio, Camp Aguinaldo at Camp Crame.
Sa ngayon ay inaalam pa kung may kaugnayan ang dalawang insidente at ang kamakailan na nakumpiskang kagamitan sa Masbate na unmanned underwater drone ng China.
Ang lahat kasi aniya ng mga ito ay pawang data collecting devices na maaaring banta sa seguridad ng Pilipinas.