2 lalaki, arestado sa pagbebenta ng overpriced alcohol sa Las Piñas City

77

Hinuli ng mga tauhan Las Piñas City Police Station dahil sa pagbebenta ng mga overpriced alcohol sa Brgy. Manuyo Dos, Las Piñas City.

Kinilala ang dalawang lalaki na sina Jeaven Jean Gloria, 30-anyos, at Rica Rose Bag-Ao, 31-anyos.

Sa ulat na Southern Police District, nakatanggap ng impormasyon ang Station Intelligence Section and Special Operations Unit dahil sa ginagawang pagbebenta ng overpriced alcohol at nakumpirma ito ay agad nilang ikinasa ang entrapment operation.

Ikinasa ang entrapment operation sa Marquez St., Gatchalian Subd., Brgy. Manuyo Dos, Las Piñas City.

Nakuha sa mga suspek ang ilang bote ng 250 ML sanitizer at spray na alcohol na ibinebenta nila ng 90 pesos kada isang bote.

Sa ngayon nakakulong na ang dalawa at nahaharap sa mga kaso.

Facebook Comments