2 lalaki, arestado sa paglabag sa Comelec gun ban sa Muntinlupa at Parañaque

60

2 lalaki ang naaresto sa magkahiwalay na operasyon sa Muntinlupa at Parañaque City dahil sa paglabag sa Comelec gun ban.

Unang inaresto ng Muntinlupa Police ang suspek na si Benjie Librella, 35 taong gulang ng Southville 3, Poblacion, Muntinlupa City.

Ito ay matapos makuha sa kanya ang isang kalibre 38 na baril at 5 bala, arestado naman sa Comelec checkpoint sa Parañaque ang 28 taong gulang na mekaniko na si Romnick Sarmiento.


Ito ay matapos na takasan nito ang checkpoint ng mga pulis at doon natuklasan ang bitbit nitong 9mm parabellum, magazine at mga bala.

Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa RA 10591 o qualified unlawful possession of firearms at paglabag sa omnibus election code.

Facebook Comments