PBBM, sasagutin ang ilang maiinit na isyu sa bansa sa ilulunsad na BBM Podcast

Isa-isang sasagutin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kaniyang BBM Podcast ang ilang maiinit na tanong ng taumbayan matapos ang 2025 midterm elections.

Sa kaniyang social media, ipinasilip ni Pangulong Marcos ang mga dapat abangan sa kaniyang podcast, kabilang na ang tanong na kung bakit siya masyadong mabait at ilang mga tugon na may kinalaman sa mga isyung pampulitika.

Sasagutin din ng Pangulo ang mga problemang kinahaharap ng mga malalaking proyekto tulad ng transportation projects at kung may masisibak ba o tatanggaling miyembro ng gabinete.

Ilulunsad ng Pangulo ang unang episode ng kaniyang podcast ngayong araw.

Facebook Comments