2 Pinoy, sugatan matapos pagsasaksakin ng kapwa-Pinoy sa Hong Kong

Courtesy of trip.com

Sugatan ang dalawang Pilipino na lalaki, matapos itong pagsasaksakin ng kapwa-Pinoy sa Hong Kong

Nangyari ang insidente sa Tai Wo Street Playground sa Wan Chai kung saan ang mga biktima ay nasa edad 36 at 40.

Agad naman na nakatakas ang suspek matapos ang pananaksak.


Nire-review na ng mga awtoridad ang CCTV footage sa lugar para matukoy ang suspek.

Sa ngayon, blangko pa ang Hong Kong police sa pagkakakilanlan ng Pinoy suspect at sa motibo ng pag-atake nito.

Facebook Comments