ILANG RELIGIOUS GROUPS SA PANGASINAN, NAGSAGAWA NG RELIEF OPERATION PARA SA KANILANG MGA KABABAYAN

Ang tahanan ng Panginoon ay mas bukas para sa kaniyang mga tagasunod, lalo na sa mga panahon ng lubos na pangangailangan.

Sa patuloy pa rin na nararanasang pag-ulan at malawakang pagbaha sa lalawigan ng Pangasinan, nagsilbing daluyan ng pagpapalala ang mga churches o simbahan para sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong.

Sa Dagupan City, nai-turn over sa tanggapan ng lokal na pamahalaan ang humigit-kumulang na 3000 grocery packs at 5 kilos of rice mula The Church of Jesus Christ of Latter-Day Saints Humanitarian Services na siyang ipamamahagi sa mga lubos na apektado ng baha sa siyudad.

Sa bayan ngman ng Umingan, namahagi ng relief goods ang United Church of God Global Ministries sa mga apektado ng patuloy na buhos ng ulan sa barangay Amaronan.

Hot meals naman ang handog ng Resurrection of the Lord Parish sa Baay, Lingayen para sa mga kababayan nilang nasa mga evacuation centers.

Tunay ngang ang pagmamahal ng Panginoon ay mas lalo nating nararamdaman sa mga panahon ng pagsubok sa pamamagitan ng mga taong ginagamit niya upang maghatid ng tulong hindi lamang ng mga materyal na bagay kundi higit sa lahat ay ang pagbibigay ng panibagong pag-asa sa ating mga puso na ang malasakit at pagmamahal sa kapwa ay buhay na buhay pa rin. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments