Wednesday, May 20, 2026

2 tauhan ng OSAA na kasama ni Senate Sergeant-at-Arms Aplasca, inirekumendang kasuhan sa nangyaring shooting incident sa Senado ayon sa CIDG

Inirekumenda ng Criminal Investigation and Detection Group na kasuhan ang dalawang tauhan ng OSAA kasunod ng nangyaring shooting incident sa Senado noong May 13.

Ayon kay CIDG Director PMGen. Robert Alexander Morico II, ang dalawang tauhan ng OSAA at ang hepe nito na si Mao Aplasca ay kanilang inirerekomendang kasuhan sa Department of Justice (DOJ).

Ayon kay Morico, nilabag nila Aplasca ang RA 1197 o Private Security Services Industry Act matapos lumabas sa imbestigasyon na sa hanay ng OSAA nagsimu1la ang putukan sa loob ng Senado.

Kaugnay nito, tinawag ni Morico na “panic firing” ang ginawa ng OSAA habang “defensive” firing naman ang ginawa ng mga agent ng National Bureau of Investigation (NBI).

Samantala, isa si Aplasca sa 10 myembro ng OSAA na sinilbihan ng subpoena ng CIDG.

Pagkumpirma pa ni Morico, isinuko na ni Aplasca at nasabing 2 tauhan ng OSAA ang kanilang mga ginamit na armas na sumasailalim na sa ballistic exam.

Facebook Comments