Modernong Komunikasyon, isinusulong ng Philippine Army

Aktibong isinusulong ng Philippine Army (PA) ang kanilang Command and Control Communications and Cyber Systems (C4S), para sa mas epektibong koordinasyon ng mga tropa sa bawat operasyon.

Sentro ito ng pulong sa ginaganap na Philippine Army Signal Family Conference 2022.

Ayon kay acting Army Chief-of-Staff at Concurrent Army Inspector Maj. Gen. Jose Eriel Niembra, prayoridad ngayon ng PA ang pagkuha ng C4S equipment para sa mas magandang komunikasyon ng mga tropa at sa kanilang mga commander sa layuning mapaghusay pa ang kanilang trabaho.


Sa pamamagitan aniya ng pag-integrate ng C4S sa mga plano at programa ng PA ay matatamo nila ang information superiority at mapapalakas ang kanilang pwersa.

Facebook Comments