Relasyon ng Pilipinas at China, pagtitibayin!

123

Mas pangalagaan ang pagkakaibigan ng Pilipinas at China.

Ito ang naging mensahe ni Chinese Ambassador Huang Xilian para sa Pilipinas sa kaniyang talumpati sa ika-73 anibersaryo nang pagkakatatag ng People’s Republic of China.

Sinabi ni Huang na dapat maayos ng Pilipinas at China ang pagkakaiba ng mga ito at humanap ng mapayapang solusyon sa pamamagitan ng friendly consultations para sa mas magandang relasyon ng naturang dalawang bansa.


Binigyang-diin ni Huang na handa ang China na makipagtulungan sa Pilipinas upang magkatuwang na maipatupad at sundin ang blueprint tungo bagong “golden era” sa bilateral relations.

Facebook Comments