Tumanggap ng food carts ang mga solo parent sa Alaminos City bilang dagdag na pagkakataon para magkaroon ng sariling negosyo at pagkakakitaan.
Layunin ng programa na matulungan ang mga solo parent na magkaroon ng pagkakakitaan at maging mas produktibo sa pamamagitan ng maliit na negosyo.
Nakibahagi sa pamamahagi sina Congressman Arthur F. Celeste at City Mayor Arth Bryan C. Celeste, kasama ang mga kawani ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at mga kinatawan ng Solo Parents.
Ayon sa lokal na pamahalaan, inaasahang magagamit ng mga benepisyaryo ang kagamitan bilang panimula sa kanilang sariling pagkakakitaan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










