22% ng workforce ng DFA, nagpositibo sa COVID-19

28

Pansamantalang sinuspinde ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang operasyon ng ilang consular offices nito hanggang sa January 20.

Ito ay matapos na 22% ng nga tauhan ng DFA ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa DFA, patuloy pang nadadagdagan ang mga tauhan nilang nagkakaroon ng sintomas ng infection.


Naglabas naman ang DFA ng bagong schedule ng appointment ng mga naapektuhang kliyente

Pinapayuhan din ang mga apektadong kliyente na makipag-ugnayan sa consular office kung saan sila naka-schedule ng transaksyon.

Facebook Comments