Nagsagawa ang mga awtoridad sa Alaminos City ng Active Attack Drill sa isang paaralang elementarya noong Setyembre 22, 2026.
Isinagawa ang simulated emergency response sa pangunguna ng Schools Division Office of Alaminos City, katuwang ang Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Barangay Council of Landoc, at City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).
Batay sa ulat ng Alaminos City DRRM, sinanay ang school community sa kinakailangang pagtugon sa isang active attack scenario, gayundin ang koordinasyon ng mga paaralan at first responders sa panahon ng emergency.
Binigyang-diin kung ano ang dapat gawin ng mga guro, mag-aaral, at mga responding agency kapag may agarang banta sa loob o labas ng paaralan.
Ayon sa mga awtoridad, target nitong gawing organisado at mabilis ang pagtugon sa ganitong uri ng insidente, lalo na ng paaralan, pulisya, bumbero, barangay, at disaster response personnel.
Ang isinagawang drill ay bahagi ng paghahanda ng school community upang mabawasan ang panganib at mapalakas ang kakayahang tumugon sa aktuwal na emergency. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










