Philippine Air Force, tiniyak na ligtas ang byahe ni PBBM patungong Switzerland

Tiniyak ng Philippine Air Force (PAF) ang ligtas na pagbiyahe ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at kanyang deligasyon kahapon patungo sa Davos, Switzerland.

Base sa mga larawang ipinadala ng tanggapan ni House Speaker Martin Romualdez ay makikitang naka-escort sa presidential plane na sinisakyan ni PBBM ang mga fighter jets ng PAF.

Ayon sa tanggapan ni Speaker Romuldez, ito ay bahagi ng essential standard operating procedure ng PAF para siguraduhin ang kaligtasan at seguridad sa mga biyahe ng pangulo.


Si Speaker Romualdez at iba pang mga opisyal ng gobyerno ay kasama sa delegasyon ni Pangulong Marcos na nagtungo sa Switzerland para dumalo sa ilang araw na World Economic Forum.

Facebook Comments