25-anyos na Pinay sa Hong Kong, iniimbestigahan matapos mahulog sa unang palapag ng gusali ang anak

Iniimbestigahan ngayon sa korte ang isang 25-anyos na Pinay sa Hong Kong matapos na mahulog sa unang palapag ng kanilang tinitirahang apartment ang 3-anyos na anak nito.

Nabatid na ang bata ay nagtamo ng facial injury at naka-confine sa pagamutan doon matapos isugod sa ospital ng mga nagrespondeng paramedics.

Ayon sa mga kapitbahay ng Pinay, pansamantalang iniwan mag-isa ang bata sa apartment ng nanay nito para ihatid sa eskwelahan ang panganay na anak.


Unang inaresto ng mga awtoridad ang Pinay pero pansamantala itong nakalaya matapos magpiyansa.

Facebook Comments