SUSPEK SA PAGKAMATAY NG TRAYSIKEL DRAYBER SA NAGANAP NA AKSIDENTE, KINASUHAN NA

31
Sinampahan na ng kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide and Damage to Property ang drayber na suspek sa nangyaring vehicular accident sa Brgy Gosi, lungsod ng Tuguegarao, kahapon, Agosto 10, 2022.

Kinilala ang suspek na si Karl Asuncion, 22 taong gulang habang ang biktima naman ay si Tomas Quindatan, 64 anyos at isang traysikel drayber.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 sa PRO 2 Regional Public Information Office, parehong binabaybay ng traysikel at ng close van ang magkasalungat na direksyon sa Maharlika Highway, Brgy. Gosi Norte Tuguegarao City nang biglang inagaw umano ng suspek ang linya ng kasalubong na traysikel dahilan upang bumangga ang dalawang sasakyan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon matulin ang takbo ng van at nawalan ng kontrol sa pagmamaneho ang suspek.

Napag alaman naman na nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin ang suspek matapos magpositibo sa isinagawang alcoholic Breath Test ang lalaki.

Kapwa nagtamo ng sugat ang mga drayber at naisugod pa sa ospital subalit idineklarang dead on arrival ang biktima ng umasikasong doktor.

Facebook Comments