25 URI NG IBON, NAMATAAN SA BAKAWAN ECO-PARK SA , BAUANG, LA UNION

Umabot sa 25 uri ng ibon ang namataan ng Department of Environment and Natural Resources sa isinagawang bird-watching activity na Asian Waterbird Census sa Bakawan Eco-Park Bauang, La Union.

Maituturing na wetland ang naturang eco-park sa bayan dahilan upang dumayo ang iba’t-ibang species ng ibon dahil sa kapasidad ng lugar na maging habitat.

Ilan sa mga bird species na nakita sa lugar ay Philippine Jungle Crow, Cattle Egret, Collared Kingfisher, Brown Shrike at Philippine Magpie Robin.

Patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan ang wastong pangangalaga sa kalikasan tulad ng mangrove tree planting at coastal cleanup sa mga komunidad upang maging sanctuario ng mga ibon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments