28 kompanya, nakilahok sa job fair sa Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite

Aabot sa 28 na mga kompanya ang nag-participate sa Job Fair na isinagawa sa Aguinaldo Shrine kasabay ng pagdiriwang ng ika-127th anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

Karamihan sa mga aplikante ay nagmula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Cavite at ang iba naman ay mula sa National Capital Region (NCR).

Pinapayuhan din ang mga aplikante na magdala ng maraming resume at sariling ballpen at magsuot ng angkop na kasuotan para sa posibleng hired-on-the-spot.

Bubuksan ang job fair o pagtanggap ng resume sa mga aplikante ng alas-9:00 ng umaga.

Facebook Comments