
Aabot sa 3,630 na job opportunities ang itatampok sa ika-127th Independence Day Job Fair ng Department of Migrant Workers (DMW).
Isasagawa ang Independence Day Job Fair sa Robinsons Galleria mamayang alas-10 ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon.
10 licensed recruitment agencies ang makikilahok, tampok ang iba’t ibang trabaho abroad sa parehas na land and sea based na mga kompanya.
Ang lahat ng aplikante o nais mag-apply ay hinihikayat na mag pre-register online para sa mas mabilis na pagpasok sa venue, at maaari ding mag-walk-in.
Maaring mag register sa web portal na :
hhtps://jobfairportal.dmw.gov.ph
Ipinapaalala rin ng DMW na dalhin ng mga aplikante ang kanilang mga pasaporte at mga training certificates.
Facebook Comments