
Pinarangalan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang apat na tanggapan bilang pagkilala sa namumukod-tanging pagganap ng kanilang serbisyo publiko.
Ayon sa DILG, ang apat na tanggapan na kanilang pinarangalan ay ang information systems and technology management service, planning service, internal audit service, at national barangay operations office.
Bukod pa rito, ipinaliwanag din ng DILG na kinilala rin ang 12 high-performing unit para sa kanilang natatanging serbisyo sa kliyente.
Matatandaan na nasungkit ng DILG ang 99.52% client satisfaction mark sa 2024 Client Satisfaction Measurement Report (CSMR).
Dagdag pa ng DILG na sumasalamin ito sa pangako ng ahensiya sa streamlined government services sa ilalim ng Ease of Doing Business Act o Republic Act 11032.
Nabatid din ng CSMR na mahigit 96% ng mga respondent ang nakatutulong sa citizen’s charter ng DILG, kung saan halos 100% ang nakakaalam nito.
Ibinida rin ng DILG na nasungkit ng matataas na score ang central at regional offices ng ahensiya sa iba’t ibang indicator ng kalidad ng serbisyo, kabilang ang pagiging tumutugon, pagiging maaasahan, komunikasyon, at integridad ang mga regional scores ay mula 98.9 hanggang 99.9%.