3 lalaking nakipagbarilan sa mga pulis sa Taguig, patay

Patay ang tatlong lalaki sa Taguig City matapos nilang maka-engkwentro ang mga miyembro ng pulis ng lungsod.

Kinilala ang mga nasawi na sina Adam Kamid Chiongbian, Ronaldo Jarumay Villanueva, alyas ‘Kuntil’ at Edward Dagwayan Galleposo, alyas ‘Edong’.

Batay sa ulat ng mga otoridad, nagsagawa ng Anti-Criminality Operation ang Taguig pulis matapos makumpirma ang reklamo tungkol sa tatlong armadong lalaki sa Brgy. Ibayo Tipas ng nasabing lungsod.


Ayon kay Police Chief Master Sergeant Arnaldo Pacleb, pagdating ng mga pulis sa lugar, bigla silang pinaputukan ng mga suspek kaya naman gumanti ng putok ang mga nagresponding pulis dahilan upang masawi ang tatlong lalaking suspek.

Napagaalam, aniya, na ang nasabing tatlong lalaking suspek ay mga notorious na mga tulak ng ipinagbabawal na droga, mga pagnanakaw at robbery.

Ang nasabing insidente ay nangyari sa Dela Paz St., Ibayo Napindan pasado alas-4:00 ng hapon kahapon.

Na-recover ng mga otoridad mula sa mga bangakay ang ilang baril tulad ng caliber .45 colt, caliber .38 armscor, grenade rifle at MK-2 defragmentation grenade.

Facebook Comments