TRAFFIC ENFORCER, NAGBALIK NG NAWALANG PITAKA

Ipinakita ni Traffic Enforcer Angelo T. Daus ang tunay na diwa ng katapatan nang isauli niya ang nawalang pitaka ni Lani Tabarnilla sa bayan ng Manaoag.

Ang pitaka ay naglalaman ng mahahalagang dokumento at pera na maaaring naging sanhi ng matinding abala sa may-ari kung hindi agad ito naibalik.

Natagpuan niya ang pitaka habang nagsasagawa siya ng kanyang mga tungkulin at agad itong ibinalik sa may-ari na labis na nagpasalamat.

Pinuri naman si Angelo ng mga residente at mga kasamahan niya sa trabaho na nagsilbing inspirasyon ng katapatan at kabutihan sa komunidad.

Ang ipinamalas ni Traffic Enforcer Angelo ay isang halimbawa ng kabutihang loob at pagmamalasakit sa kapwa na siyang dapat tularan ng nakararami. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments