‎PAGSUNOD SA ENVIRONMENTAL STANDARDS, PINALALAKAS SA ALAMINOS CITY

‎‎Isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Alaminos City ang limang araw na Pollution Control Officers (PCO) Training para sa mga kinatawan ng tourism establishments, malls, at mga ospital sa lungsod.

‎Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na maisulong ang responsableng pangangalaga sa kalikasan at matiyak ang pagsunod ng mga establisimyento sa mga pamantayan sa environmental protection.

‎Layunin ng pagsasanay na mapalawak ang kaalaman at kakayahan ng mga Pollution Control Officers sa wastong pamamahala ng mga usaping pangkapaligiran, gayundin sa pagpapanatili ng malinis, ligtas, at sustainable na mga business establishment.

‎Pinangasiwaan ang training ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO), katuwang ang Department of Environment and Natural Resources–Environmental Management Bureau Regional Office 1 (DENR-EMB RO1).

‎Sa pamamagitan ng naturang programa, inaasahang higit pang mapapalakas ang environmental compliance ng mga business establishment at ang kanilang pakikiisa sa pangangalaga ng kapaligiran. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments