PINADALING ACCESS SA DENTAL CARE, MULING ISUSULONG SA MANGALDAN

Muling isasama ang libreng dental services sa mga serbisyong pangkalusugan ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan matapos itong ianunsyo noong Lunes, Hulyo 20.

Kabilang sa mga serbisyong ibabalik ang tooth extraction, dental cleaning, at iba pang oral health services.

Ayon sa ulat, isasagawa ang mga ito sa mga barangay para mas mapalapit ang serbisyo sa mga residente at mabawasan ang pangangailangang magtungo pa sa Rural Health Unit (RHU).

Target umano nitong mapalawak ang access ng publiko sa serbisyong pangkalusugan, partikular sa pangangalaga ng ngipin sa iba’t ibang komunidad sa bayan.

Samantala, sa parehong aktibidad, nagpaalala ang RHU Mangaldan sa publiko na tiyakin ang wastong pag-iimbak ng pagkain at pag-inom ng ligtas at malinis na tubig bilang pag-iingat laban sa mga sakit. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments