Nagsimula na ang tatlong araw na Standard First Aid at Basic Life Support Training para sa mga kabataan ng Lingayen ngayong Mayo 18, 2026.
Pinangunahan ito ng lokal na pamahalaan ng Lingayen sa pamamagitan ng Local Youth Development Office katuwang ang Local Disaster Risk Reduction and Management Office.
Dumalo rin sa aktibidad ang mga kabataang mula sa iba’t ibang sektor tulad ng Sangguniang Kabataan, out-of-school youth, SPES beneficiaries, at youth volunteers.
Inaasahang makatutulong ang pagsasanay upang mas mapalakas ang kahandaan ng mga kabataan sa pagresponde sa mga emergency at pagsusulong ng kaligtasan sa komunidad.
Layunin ng programa na maturuan ang mga kalahok ng tamang pagtugon sa emergency situations kabilang ang CPR, first aid, at pagbibigay ng agarang tulong sa panahon ng aksidente at kalamidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








