Pangulong Duterte may tiwala parin kay Justice Secretary Vitallano Aguirre

179

Manila, Philippines – Sa kabila ng batikos ay inihayag ng Palasyo ng Malacañang na hawak parin ni Justice Secretary Vitallano Aguirre ang buong tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos umani ng batikos si Aguirre matapos ang kanyang pahayag na may kinalaman ang ilang senador at mambabatas sa kaguluhan sa Marawi City.


Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ginagawa lamang ni Aguirre ang kanyang trabaho at alam naman niya nito ang kanyang nga aksyon at mga sinasabi.

Sinabi din nito na posibleng diskarte lang ito ni Aguirre at hindi naman lihis sa polisiya ng Malacañang ang kanyang mga ginagawa.

Pero Ipinaubaya nalang din ni Abella kay Aguirre ang pagpapaliwanag sa naturang issue.
DZXL558, Deo de Guzman

Facebook Comments