37 BARANGAY SA ROSALES, SABAY-SABAY NA NAGSAGAWA NG COMMUNITY PANTRYPARA MAGSELEBRA NG PISTA 

Sa halip na tradisyunal selebrasyon, isinagawa ang sabay-sabay na community pantry sa lahat ng 37 barangay ng Rosales noong Hunyo 13, bilang bahagi ng kanilang fiesta celebration.

Ayon sa lokal na pamahalaan, bawat barangay ay naglatag ng mga pangunahing pagkain tulad ng noodles, itlog, gulay, at iba pang pang-araw-araw na pangangailangan para sa mga residente.

Target umano nitong bigyang halaga ang pagbabahagi sa komunidad kaysa sa malalaking gastusin sa pista.

Sa mga nakalipas na taon sa Pangasinan, ilang bayan at lungsod na rin ang nagpatupad ng community pantry para sa pagdiriwang ng pista at iba pang lokal na okasyon, katulad na lamang sa bayan ng Calasiao.

Sa Rosales, kapansin-pansin na ang buong 37 barangay ay sabay-sabay na lumahok sa praktikal na selebrasyon ng pista kasabay ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments