370K halaga ng shabu nakuha sa isang Security Guard sa Pangasinan

106

Timbog sa isinagawang buy bust operation ng awtoridad ang isang high value target sa Brgy. Nancayasan Urdaneta City Pangasinan.
Nakumpiska sa trentay dos anyos na security guard ang labing isang sachet ng hinihinlang shabu o may market value na 370, 000.
Hinuli ang suspek matapos mabilihan ito ng poseur buyer ng awtoridad.
Itinuturing umano ito ng awtoridad bilang isa sa mga high value target na nagbebenta sa probinsiya.
Kinasuhan na ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek.

Facebook Comments

From Advertisers