Wednesday, May 6, 2026

SAN FABIAN, PINAPABILIS ANG FARMERS DATA SYSTEM; NON-DISCLOSURE AGREEMENT, PINAIIGTING

Isinusulong sa San Fabian ang bagong database ng mga magsasaka at mangingisda sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture Application (RSBSAP) Local Government Unit (LGU) noong Mayo 4, 2026.

Ayon sa ulat, pabibilisin umano nito ang pag-encode at beripikasyon ng impormasyon ng mga rehistradong benepisyaryo dahil sa updated na datos na maaaring batayan para sa pagpaplano ng mga programa ng pamahalaan.

Ito ay matapos ang isinagawang koordinasyon sa pagitan ng Municipal Agriculture Office at Department of Agriculture – Regional Field Office I (DA-RFO I) ukol sa naturang sistema na direktang nakakonekta ang sistema sa RSBSAPP ng DA-RFO I na magsisilbing tagasuri ng rekord galing sa LGU.

Bukod dito, isiniwalat din ang data processing at pagpapatupad ng Non-Disclosure Agreement para sa mga validator at encoder ng RSBSAPP. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments