Nakinabang ang mga mag-aaral sa Barangay Pototan, Binmaley sa isinagawang “The PENcil Point Project” o 3Ps para sa 4Ps na layuning suportahan ang mga kabataan sa kanilang pag-aaral.
Sa ilalim ng programa, namahagi ng school supplies at toothbrush sa mga bata mula sa komunidad, kabilang ang mga benepisyaryo at hindi benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Bahagi rin ng aktibidad ang isang values formation session na isinagawa sa pakikipagtulungan ng isang civil society organization na naglalayong magbigay ng gabay at positibong paghubog sa mga kabataan.
Sa loob ng tatlong araw na programa, tinalakay din ang kahalagahan ng edukasyon at wastong asal bilang pundasyon ng pag-unlad ng mga mag-aaral.
Ayon sa mga lokal na pamahalaan, layunin ng inisyatiba na makatulong sa mga mag-aaral sa pagbibigay ng pangunahing gamit sa eskwela at pagpapatibay ng kanilang moralidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣





