Tinalakay sa aktibidad ang mga posibleng epekto ng matinding init, kakulangan sa suplay ng tubig, tagtuyot at iba pang kondisyon ng panahon na maaaring makaapekto sa produksyon ng mga pananim at kabuhayan ng mga magsasaka.
Nagbigay rin ng climate outlook at mga rekomendasyon ang kinatawan ng PAGASA Dagupan kaugnay sa mga hakbang na maaaring gawin upang mabawasan ang pinsalang dulot ng matinding init at iba pang epekto ng climate change sa agrikultura.
Dinaluhan ang seminar ng mga kinatawan ng lokal na pamahalaan, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council, mga magsasaka at mga opisyal ng barangay bilang bahagi ng paghahanda ng komunidad sa posibleng epekto ng extreme weather conditions.
Layunin ng aktibidad na mapalakas ang kahandaan ng sektor ng agrikultura at makapaglatag ng mga hakbang upang mabawasan ang epekto ng matinding init at pabago-bagong klima sa produksyon ng pagkain at kabuhayan ng mga residente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







