4 Sugatan sa Matapos Bumangga ang Toyota Innova sa Kasalubong na Truck

31
Cauayan City, Isabela- Sugatan ang tatlong Indian National sakay ng Toyota Innova na may plakang BAA4813 maging ang driver ng motorsiklo matapos masangkot sa aksidente bandang alas-6:50 kaninang umaga sa National Highway ng Brgy. District 1, San Manuel, Isabela.

Kinilala ang mga sugatang biktima na driver ng Toyota Innova na si Basnut Ram,62-anyos, may asawa at residente ng Vira, Roxas, Isabela at driver ng motorsiklo na may plakang BA97206 na si Donnie Jay Nicolas,39-anyos, may-asawa at residente ng Capissayan Norte, Gattaran Cagayan.

Habang maswerte namang hindi nasugatan ang driver ng ISUZU ten-wheeler truck na may plakang PTX416 na minamaneho ni Renver-k Espita,20-anyos, binata at residente ng P-2 Bulanao Norte, Tabuk City, Kalinga.

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP San Manuel, binabagtas ng mga sangkot na sasakyan ang kalsada nang subukan ni Ram na mag-overtake sa unahang bahagi ng motorsiklo ngunit aksidente itong bumangga sa kasalubong na truck.

Matapos ang insidente, aksidenteng nadaanan ng driver ng motorsiklo ang mga debris ng sasakyan dahilan para mawalan ito ng kontrol sa kanyang manibela hanggang sa bumangga at bumagsak sa kalsada.

Nagpaikot-ikot sa kalsada ang Toyota Innova hanggang sa mapadpad sa gilid ng kalsada.



Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang driver ng motorsiklo gayundin ang ang mga sakay ng Innova.

Sa huli, nagkasundo ang magkabilang panig na aayusin ang nangyaring insidente.

Facebook Comments