Thursday, September 3, 2026

MGA CREEK SA DAGUPAN, TUTUTUKAN SA PLANONG RECOVERY PROGRAMr

‎‎Tinutukoy ngayon ng pamahalaang lungsod ang mga creek sa Dagupan na maaaring isailalim sa isang recovery program upang mapalakas ang daloy ng tubig.

‎Ayon kay Mayor Belen T. Fernandez sa kanyang panayam sa Bantay Dagupan noong Setyembre 2, kabilang sa mga sinuri ang isang creek sa Bonuan na wala nang isang talampakan ang natitirang lalim.



‎Nakatakda ring suriin ang iba pang mga creek sa lungsod bilang bahagi ng planong recovery program na isusulong sa pamamagitan ng isang resolusyon.

‎Layunin ng programa na mapalakas ang outflow ng tubig, kasabay ng pagsasaayos ng iba pang drainage system sa lungsod.

‎Ayon pa sa alkalde, nakalaan na ang pondo para sa mga planong proyekto. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments