41 pang Pinoy repatriates mula Gaza, bumibiyahe na patungong Pilipinas

Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Egypt na bumibiyahe na patungong Pilipinas ang 41 Pinoy repatriates na nakatawid ng Egypt mula Gaza.

Kasama ng naturang mga Pinoy ang kanilang mga pamilya at asawang Palestino.

Inasistehan mismo sila sa Cairo International Airport (CIA) ng mga tauhan ng Embahada ng Pilipinas sa Egypt.


Bago sila umuwi ng Pilipinas, sila ay sumailalim muna sa medical checkup sa Cairo.

Nananatili naman malapit sa Rafah border ang mga tauhan ng Philippine Embassy para mag-abang sa iba pang mga Pinoy na tatawid sa Egypt mula Gaza.

Facebook Comments