Isa sa mga Pinoy na nasugatan sa Hamas attack, naka-confine pa rin sa ospital

Nananatiling naka-confine sa Ichilov Hospital sa Tel Aviv, Israel ang isa sa mga Pilipinong nasugatan sa pag-atake ng Hamas militant group noong October 7.

Ayon sa Overseas Worker Welfare Administration (OWWA) Israel, nagpapagaling na lamang at sumasailalim sa therapy ang Pinoy na si Joey Pagsolingan.

Samantala, binisita rin ng OWWA Israel ang Pilipina na asawa ng isa sa mga Pinoy na namatay sa pag-atake.


Ang nasabing Pinay ay binigyan ng counselling ng social worker mula sa Department of Migrant Workers (DMW).

Siya ay nagsilang noong nakaraang linggo ng isang sanggol na lalaki.

Facebook Comments