‎TRAFFIC SIGNAGES SA BAYAMBANG, DINAGDAGAN UPANG MAIWASAN ANG KALITUHAN SA KALSADA

‎TRAFFIC SIGNAGES SA BAYAMBANG, DINAGDAGAN UPANG MAIWASAN ANG KALITUHAN SA KALSADA

‎Naglagay ng mga karagdagang traffic at regulatory signages ang Task Force Disiplina sa mga estratehikong lugar sa bayan ng Bayambang bilang bahagi ng hakbang upang mapabuti ang gabay sa mga motorista, pedestrian at iba pang gumagamit ng kalsada.

‎Sa pangunguna ng Task Force Disiplina at Operations Chief ng Bayambang Public Safety Office (BPSO), isinagawa ang paglalagay ng mga karagdagang signage katuwang ang mga tauhan ng Task Force Disiplina at BPSO.

‎Layunin ng proyekto na mabigyan ng malinaw na paalala ang mga road users hinggil sa tamang paggamit ng lansangan, pagsunod sa batas-trapiko at pag-iingat upang maiwasan ang aksidente at kalituhan sa daloy ng sasakyan.

‎Ayon sa Task Force Disiplina, bahagi ito ng patuloy na pagpapalakas ng traffic management sa bayan at pagsusulong ng disiplina sa kalsada.

‎Kasabay nito, patuloy na magsasagawa ang Task Force Disiplina at BPSO ng monitoring at enforcement activities upang matiyak ang pagsunod ng publiko sa mga traffic signs at iba pang umiiral na alituntunin sa kalsada.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments