BFAR REGION 1 KADIWA PROGRAM, NAGPAPALAKAS NG KALAKALAN NG BANGUS SA ROSALES

Patuloy na pinagtitibay ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 1 ang ugnayan ng mga mangingisda at pamilihan sa pamamagitan ng Fish Trading Activity sa Rosales Farmers Market sa ilalim ng KADIWA Program.

Umabot sa isang toneladang bangus ang naipagkalakal mula sa Samahang Magbabangus ng Pangasinan (SAMAPA) patungo sa mga lokal na tindero ng isda sa bayan ng Rosales noong June 11, 2026.

Malaki ang itinaas nito kumpara sa unang yugto ng programa noong Mayo 2026 kung saan 500 kilo lamang ng bangus ang naipagbili.

Ayon sa BFAR Region 1, layunin ng inisyatiba na magbigay ng mas madali at napapanatiling oportunidad sa kalakalan ng isda sa pamamagitan ng direktang pag-uugnay sa mga lokal na prodyuser at mga vendor sa pamilihan.

Patunay ang pagtaas ng dami ng bangus na naipagkalakal sa tagumpay ng programa at sa lumalakas na suporta ng mga lokal na vendor at mamimili sa mga produktong mula sa mga mangingisda ng Pangasinan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments