Wednesday, July 29, 2026

BARANGAY RESPONDERS SA ALAMINOS CITY, SUMABAK SA KANILANG UNANG RESCUELYMPICS

Sumabak sa training ang mga barangay disaster responders sa kanilang unang Barangay Rescuelympics 2026 na isinagawa sa Barangay Tangcarang, Alaminos City bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month.

Pinangunahan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ang aktibidad.

Sa pamamagitan ng mga rescue simulation at iba pang pagsubok, ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang kakayahan sa mabilisang pagtugon, koordinasyon, at paggamit ng mga kinakailangang pamamaraan sa pagresponde sa mga emergency situation.

Batay sa ulat ng lokal na pamahalaan, paraan umano ang Rescuelympics para matukoy ang mga kailangan pang paunlarin sa kapasidad ng mga barangay responder.

Noong 2025, ginanap din sa Alaminos City ang National Disaster Resilience Month Rescuelympics na nilahukan ng disaster officials, rescue teams, at first responders mula sa iba’t ibang rehiyon sa Luzon.

Bahagi ang unang Barangay Rescuelympics 2026 ng mga hakbang ng lungsod upang higit pang palakasin ang kahandaan ng mga komunidad sa pagtugon sa sakuna at iba pang emergency. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments