Tinalakay sa isang pagpupulong ang Construction of Missing Link–New Road, na layong mapabuti ang road connectivity at accessibility ng mga komunidad na madaraanan ng proyekto.
Tinatayang ₱170 milyon ang pondong ilalaan para sa pagpapatupad ng proyekto sa 2027.
Batay sa planong ruta, magsisimula ang karugtong na bahagi ng kalsada sa Barangay San Roque, San Nicolas, at tatawid sa mga barangay ng Legaspi, Amistad, Agno at Guzon sa Tayug.
Magpapatuloy ang ruta hanggang Barangay Guzon, Tayug na magkokonekta patungo sa Barangay Ariston East, Asingan.
Kabilang sa pangunahing bahagi ng proyekto ang planong pagtatayo ng tulay sa pagitan ng Barangay Agno at Barangay Guzon sa Tayug na inaasahang magiging mahalagang link upang mapadali ang pagbiyahe at transportasyon ng mga residente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








