Friday, August 14, 2026

Senado, tiniyak ang maiging pagbabantay sa Pax Silica Hub

Sinimulan na ng Senate Committee on Environment, Natural Resources and Climate Change ang pagdinig tungkol sa pagtatayo ng Pax Silica Hub sa bansa.

Tiniyak ni Committee Chairman Raffy Tulfo na babantayan at tututukan niya ang proyekto kung lahat ba ng mga regulasyon ay masusunod at kung ang mga pangako ng Pax Silica data center ay matutupad.

Pinabibigyang-linaw ng senador ang tungkol sa proyekto at safeguards na magbibigay garantiya na maiiwasan ang mga pinangangambahan ng mga kababayan.

Nilinaw naman ni Tulfo na nais din naman niya ng pag-unlad ng bansa at ang Pax Silica Data Center ay nangangakong magdadala ng napakaraming oportunidad tulad ng paglikha ng napakaraming trabaho at digital transformation.

Dagdag pa ni Tulfo ang pagsusuri sa magiging epekto sa local ecosystems, water at energy consumption, waste management at kung paano ito makakaapekto sa buhay ng mga komunidad.

Facebook Comments