4PS GRADUATION AT EXITING HOUSEHOLDS SA SAN FABIAN AT MANGALDAN, PINAGTIBAY ANG PROGRAMA TUNGO SA SELF-SUFFICIENCY AT KOOPERATIBA

Isang makabuluhang yugto ng pagpapatupad ng pantawid pamilyang pilipino program (4ps) ang isinagawa sa mga bayan ng san fabian at mangaldan matapos kilalanin ang daan-daang benepisyaryo na nagtapos at nag-exit mula sa programa, kasabay ng mga hakbang tungo sa mas matatag at self-sufficient na pamumuhay.

Sa bayan ng san fabian, 503 benepisyaryo ang pormal na kinilala sa 4ps graduation ceremony na ginanap noong hunyo 17, 2026 sa public auditorium. Dinaluhan Ito ng mga lokal na opisyal at kinatawan ng department of social welfare and development (dswd), kung saan binigyang-diin ang sakripisyo at determinasyon ng mga pamilyang matagumpay na naitaguyod ang edukasyon ng kanilang mga anak.

Samantala, sa bayan ng mangaldan, tinalakay sa municipal advisory council (mac) meeting ang 4ps graduation at exiting households noong hunyo 10 at 11, kung saan naitala ang 603 graduating households at 43 exiting families, alinsunod sa pamantayan ng programa ng dswd.

Bilang bahagi ng pagpapatuloy ng programa, ipinresenta rin ang sustainability plan ng lgu mangaldan para sa 646 na household beneficiaries upang matiyak na Hindi muling babalik sa kahirapan ang mga umalis sa 4ps. Kabilang dito ang livelihood support, tesda training, at tulong medikal mula sa lokal na pamahalaan.

Iminungkahi rin ang pagbuo ng mga kooperatiba mula sa hanay ng 4ps graduates upang mapalakas ang kanilang access sa puhunan, pautang, at iba pang tulong-pinansyal. Ayon sa mga opisyal, isasama rin sa family development sessions ang gabay sa pagbuo ng mga kooperatiba bilang bahagi ng pangmatagalang diskarte sa kabuhayan.

Kasabay nito, inanunsyo rin ang nakatakdang bagong 4ps registration sa hunyo 26, 29, at 30 para sa mga potensyal na benepisyaryo, na dadaan sa masusing pagsusuri gamit ang community based monitoring system (cbms) ng philippine statistics authority (PSA). | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments