5 miyembro ng BIFF, sumuko sa militar sa Cotabato

62

Sumuko sa mga tropa ng 90th Infantry Battalion ang limang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) kahapon.

Ang mga sumukong dating miyembro ng BIFF-Karialan Faction ay iprinisinta kay 602nd Infantry Brigade Commander Col. Jovencio Gonzales sa Camp Lucero, Poblacion, Carmen, Cotabato.

Kasabay na isinuko ng mga nagbalik-loob na rebelde ang dalawang garand rifles, isang M14 rifle, isang M14 sniper rifle at isang 60mm mortar.


Ayon kay Maj. Gen. Roberto Capulong, acting commander ng Joint Task Force Central nagdesisyon ang mga ito na sumuko dahil nakita nila ang sinseridad ng pamahalaan na bigyan ng pagkakataong makapagbagong buhay ang mga nagbabalik-loob.

Sinabi pa nito na ang pagsuko ng grupo ay resulta ng pagtutulungan ng 90IB at mga intelligence units sa lalawigan ng Cotabato.

Facebook Comments