5-TONELADANG LIMIT SA MGA SASAKYAN, IPINATUPAD SA WARDING–SAN VICENTE BRIDGE SA BAYAMBANG

‎Pansamantalang nilimitahan sa 5 tonelada ang bigat ng mga sasakyang maaaring dumaan sa Warding–San Vicente Bridge sa Bayambang bilang pag-iingat kasunod ng isinagawang emergency inspection ng Department of Public Works and Highways (DPWH)–District 4 Office.

‎Isinagawa ang inspeksyon upang masuri ang kasalukuyang kondisyon ng tulay matapos mapansin ang ilang minor damages sa istruktura.

‎Pinangunahan ni Assistant District Engineer Eldred Mislang ang pagsusuri, kasama sina Municipal Administrator Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad at Municipal Engineer Engr. Bernadette Mangade.

‎Batay sa isinagawang pagsusuri, passable pa rin ang tulay ngunit nagpatupad ng weight limit ang DPWH upang mapanatili ang kaligtasan ng mga motorista at maiwasan ang karagdagang pinsala sa istruktura.

‎Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang lokal na pamahalaan sa DPWH–District 4 Office para sa agarang pagtukoy at pagsasagawa ng kinakailangang pagkukumpuni sa tulay.

‎Pinaaalalahanan ang mga motorista na sundin ang itinakdang 5-toneladang weight limit habang isinasagawa ang mga nararapat na hakbang para sa kaligtasan ng publiko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments